Thursday, July 5, 2007

Sino Ako?

Chuvanesca ang pangalan. 22 years old. Bakla, baklita, Reyna ng itim. Tawag yan ng mga kabaro ko sa amin. Pinanganak ako sa Davao. Bakla tatay ko, tibo naman nanay ko. Sa ngayon nakatira ako sa Digos. Oo, isang napakatahimik na siyudad malapit 'din sa Davao.

Tatlong taong gulang pa lang ako namatay na sina Mama at Papa, napadpad nga ako dito sa Digos dahil dinala ako ng tita ko. Hindi kami magkadugo, pero parang tunay na anak na ang turing niya sakin. Bakla na ako dati pa. Masaya naman pamumuhay namin, 'di naman ako maluho. Sanay ako sa hirap, tinutulungan ko kasi si Tita Suling sa pagtitiinda ng gulay sa palengke. Kahit ganito ako, mahal ako ni Tita Suling. Kaya kahit ganyan ako, pinagmamalaki niya ako ng todo.

Marami na akong nasalihang patimpalak ng pagandahan ng mga bading. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nagwawagi ang lola niyo. Minsan nga kahit sa baryo-baryo pinapatulan ko, magkapera lang.

Minsan nagwagi ako, Php3,000 yung premyo. Binayaran ko pa manager ko. Pati costume, pati make-up, pati accessories, lahat binawas sa premyo. Ayun, Php1,000 na lang nauwi ko. Masaklap pero masarap. Kapag talo naman, nauunawaan naman ng manager ko ang sitwasyon, at kahit isang dosenang lata ng sardinas lang ang consolation, binibigay rin naman niya ang kalahati sa akin.

Meron akong tinatangi. Siya si Roger. 20 years old. Bago pa kami ni Roger, makati na ako sa hitad. Marami akong flings, marami akong napaligaya, baklang-bakla ako nung mga panahong akong nasa age range ng 16 to 19. Nakilala ko siya nung akong biente lang. Tatlong taon ang pagitan namin. So bale, 17 siya nang dumating siya sa buhay ko.

Marami akong kaibigan. Halos lahat naman kasi ng taga-samin tuwang-tuwa sakin. Pati nga halos mga tao sa mga karatig baryo kilala ako. Kaya ako mahal ng Tita Suling ko. Bukod sa magyondits, nakakatawa pa.

Welcome po sa blog ko, sana lang po magustuhan niyo ito.

xoxo,
Chuvanesca

1 comment:

Lyka Bergen said...

Digos City? Now ko lang heard yan.