Saturday, July 14, 2007

Consolation Part Two

Kinahapunan, nagpunta na kami ni Manay sa barrio hall para magparehistro. Sight ko rin ang ibang baklitang kating-kati para makasali sa natatanging patimpalak ng pagandahan.

Pangatlo kami ni Manay na pumila. Bitbit ang costume at make-up kit, naghintay kami ng dalawang oras para makapagrehistro.

'May I argue' ang drama ng dalawang baklita na nagparehistro sa committee. Pangalawang beses na silang sumali sa patimpalak.

"Giatay!" sigaw ng isang bakla na ibig sabihin sa tagalog ay isang malutong na mura.

"Ate, anong commotion?" tanong ko kay Manay.

"Overage na daw!" sagot niya.

"Overage? Bakit? Ilang taon na ba sila?" tanong ko uli.

"Trenta ata? Oo trenta na, rumarampa pa, kasi naman, ito lang kinabubuhay nila." sagot niya.

"Eh yung isa? 'Di ba bata pa yun?" sabat ko.

"Underage yun. Trese pa ata eh, gusto nang lumandi." sagot niya naman.

Natawa ako, hindi ko lubos-maisip na ganito ang buhay na susuungin ko pagdating ng araw.

Kinabukasan ng gabi, todo make-up na ako, ilang oras na lang kasi magsisimula na ang Miss Gay Magsaysay. Kabado ako, pero kering-keri ko to, sabi ko sa sarili ko. Kasi naman si Manay, bakit pa ako sinama-sama. Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko.

Nang biglang me nagtext...

"Hi, San ka now?" sabi ng text.

Hindi ako nagreply, wala akong load. Hindi ko rin alam kung sino ang nagtext. Pero, 'di ko binura ang mensahe.

Alas nuebe ng gabi, walang kagatol-gatol na nagsimula na ang patimpalak. Me production number ang isang grupo ng kabataan bilang panimula. Triple na ang kabang nadarama ko nang puntahan kami ng taga-anunsiyo. Magsisimula na daw kami sa aming production number.

Suot ko na ang costume ko, kahit papano, sight ko rin naman na me curves ako, kahit papano, nagawan ng paraan ni Manay Greta na magkaroon ako ng boobs.

Dark blue ang kulay ng costume ko, ika nga ni Manay, lutaw na lutaw ang kagandahan ko dahil nga maputi ako't matangkad.

Nagsimula na kaming sumayaw. Lalo akong tumaas ng iilang inches dahil nga ang taas ng pinasuot ni Manay sakin na heels. Feel ko rin namang sumayaw, kahit pa ika-ika, nakasayaw pa rin ako ng mabuti. To the tune of Sexyback ang sinayaw namin. Pirated ang CD. Makailang ulit ba namang tumalon.

Contestant number 5 ako nun sa sampung kalahok. Nakuha pa ako sa top 6. 'Di ba wagi?

Nang tawagin na ang pangalan ko para sa question and answer, biglang nag ala Miriam Quiambao ang drama ko, as in sumadsad talaga ako mula sa mataas na bahagi ng mini-bleachers ng stage day hanggang sa ibaba. Que Horror!

Poise pa rin naman, may I get back on my feet pa rin naman ako, naman, literal na sumadsad yung mukha ko sa bleachers. Narinig ko rin sa crowd ang sigawan. Me natawa, me nashock. Hanggang sa binalewala ko ito at patuloy na pumunta sa gitna ng stage. Ngumiti. Nang biglang...

"Hahahahahhaha... " hiyawan at tawanan ang lahat ng tao, pati ang judges napatawa.

Poise pa rin, nang bigla akong makaramdam ng sakit sa loob ng bibig ko. Nang haplusin ko ito, tumambad sakin ang napakaraming dugo. Wari ko'y mahihimatay ako sa takot, pero ineskort ako ng isa sa mga kabataan papuntang backstage. Doon ko lang nalaman, nawala ang dalawang ipin ko sa harapan.

Iyak ako nang iyak, si Manay naman, 'di mapakali. Kumalma ako, sinight ko sa salamin ang nguso ko.

"Hubaga Uy!" pasaring ng isang lalaki sa dakong kanan ng dressing room.

Nabigla ako dahil parang kinagat ng sampung libong bubuyog ang nguso ko.

Tinawag na ang top 3.

'Di ako nasama.

Masaklap.

Pero inaaninag ko pa rin ang kung sino ang nagsabi sakin na 'hubaga uy'.

Na-sight ko siya, pero tinawag na ang mga talunan para sa isang special awards kaya tinalikuran ko na ang lalaki.

"And the award for the Most Shocking Event of the Night Goes To...." announce ng announcer.

Tumaas ang kilay ko't napakagat ako sa dila.

"Miss Chuvanesca!" sabi ng announcer.

"Congratulations Miss Chuvanesca, you can now claim your prize from Mr. Andrew Jaltan, Mr. Jaltan, can you escort Miss Chuvanesca please?" si announcer ulit.

Hiyang-hiya ako, para akong basang sisiw as of that moment. Pero nang masight ko si Mr. Jaltan, siya pala yung lalaki ng walang pang-ibabaw sa karenderia nung isang araw. Nabaliw ako, ang gwapo niya. Grabe, kinamayan niya ako't kinongratulate. Ang haba ng hair ng lola niyo day! Nanginig ako sa dimples niya!

Bad trip nga lang...

'Sandosenang lata ng sardinas at noodles ang papremyo ko. Ayun nga, consolation prize, naaksidente na ako, yan lang makukuha ko, napakasaklap!

Pero ok lang. Nakilala ko naman si Andrew.

Grabe, kahit maga ang lepz ko, ang landi ko pa rin.

1 comment:

Jhamy whoops! said...

ouch! that hurts big time! pero ok lang un.. atleast my prize.. bawi na alng next tym.. ok mga kwento mo.. nakakatuwa..

:)