Thursday, July 5, 2007

Consolation Part One

Seventeen lang ako nun nang sumali ako ng Miss Gay Magsaysay. Yun ang pinakaunang beses na sumali ako sa isang gay beauty contest. Mga neng, 'di ko kinaya. Eto ang buong kwento.

Alas otso ng umaga sinama ako ng isa sa mga kabaro ko sa Magsaysay, Davao del Sur, siya si Greta, bakla rin at medyo matanda siya ng kaunti sa akin. Pero bihasa na sa pagsali sa mga gay beauty contest, nakakailang panalo't talo na rin siya, maihahambing mo talaga siya kay Tyra Banks. Hindi naman sa masasabing successful ang lola Greta, meron naman itong sariling parlor, kaya't nakakaraos rin. Buti na lang pumunta ng Davao si Tita Suling at pinayagan naman akong gumala.

"San tayo pupunta manay?" tanong ko.

"'Wag ka nang maraming tanong diyan, gusto mo bang magkapera?" usad naman niya.

"Aba, siyempre, kelangan eh, matumal ang bentahan ng gulay sa palengke, kelangan ko ng datung." sagot ko naman.

"Eh 'di kung ganun, wag ka na maingay diyan at me sasalihan kang beauty contest." sabat niya.

At first 'di ako makapaniwala, pero dahil sa hirap ng buhay tinigasan ko na lang loob ko.

Dumating na kami sa lugar, 'di ko matandaan ang eksaktong pangalan, pero maganda siya, kaunti lang tao, eh bukid naman kasi eh. Pumunta kami ni Manay Greta sa bahay ng kakilala niya. Kaibigan pala yun ni Manay at sadya nga niya roon eh manghiram ng costume, 'di naman nakakapagtaka, patahian ito sa lugar nila. Bukod sa isa itong patahian, isa rin itong karenderia. Naupo na ako sa sala, nang me tumambad na pawisang lalaki na walang pang-itaas sa aking harapan. Nagulat ako, pero poise pa rin. Naaninag ko ang mukha niya. Pogi. Sa isang saglit, natigil ako sa aking pantasya nang tanungin niya kung andiyan ba ang may-ari, sagot ko naman, ewan, baka andun sa loob.

Tumuloy si pogi sa loob. Tinuloy-tuloy ko rin ang tingin ko sa katawan niya na matipuno. Natigilan ako nang lumingon siya't ngumiti.

Nag-blush ang lola niyo 'day!

To be continued...

2 comments:

Lyka Bergen said...

Anovayan? Bittin-tin Bersola! Nanalo ko ba as Ms Gay-Magsaysay?

Jhamy whoops! said...

hi! taga davao ka pala.. malapit lang sa province namen.. hehe.. i enjoyed reading your entries! tc..

ex links?