Sunday, July 15, 2007

Si Andrew

Maga pa rin ang lipz ko. Triple pa sa lipz ni Angelina Jolie. Keri ko pa rin naman. Kinabukasan nga nun, nag-almusal na kami ni Manay sa karenderia ng kaibigan niya. Masakit kumain, nabigyan nga ako ng pampawala ng sakit, diyahe namang kumain kasi wala na dalawang ipin ko sa harapan.

"Tao, pabili ng hinalang!" sigaw ng isang lalaki.

Nagulat ako't si Andrew pala ang bumibili. Lumandi naman ako. Sumaya ako bigla. Nginitian ko siya't natawa na lang siya sa akin. Kasi nga bungal ako nun.

Nagkakwentuhan kami ni Andrew. Tinanong ko siya kung taga-san siya't san siya nag-aaral. Sa Magsaysay nga siya nakatira, sa Kialeg, pero sa Digos siya nag-aaral. Natuwa ako't malapit lang sa amin ang paaralan niya. Titig na titig ako sa dimples ng loko, ang gwapo eh, kakabighani! Super!

Kinuha ko number niya, binigay din naman niya agad.

Hapon na nang umalis kami ni Manay pauwi ng Digos. Nagmamadali akong sumakay ng jeep. Hindi ko namalayan na katabi ko pala si Andrew. Pauwi na rin pala siya ng Digos. Klase na kasi kinabukasan. Haba ng hair ko, kahit na maga pa rin yung bibig ko ok lang, nakatabi ko naman siya.

Marami pa kaming pinag-usapan, katulad ng girlfriend niya, at mga karanasan niya sa buhay. Hanggang sa makarating na kami ng Digos.

Nagpart na kami ng ways, ayun, pati si Manay ngingiti-ngiti.

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay, text text kami ni Andrew. Wala pa naman si Tita Suling, hindi pa umuuwi. Hindi na masakit ang bibig ko, katunayan 'di na ito namamaga.

Text pa rin kami ni Andrew...

"Pwede tayong magkita sometime?" tanong niya.

"Pde naman, text me lang kung kelan at san." sagot ko nang biglang...

"Check Operator Services" ...

Taena!

No comments: