Sunday, July 15, 2007

Ang Load

Binagtas ko ang isang kilometro para lang bumili ng load. Tae, ang init! Pero binalewala ko, me kung anong ispesyal kasi ang Andrew eh. Bukod sa mabait, gwapo pa.

"Pde naman, text me lang kung kelan at san." text ko uli sa kanya.

"Message sent"

Ayun, buti na lang na-send na. Pero ilang saglit pa, 'di pa rin siya nagre-reply.

'May I text' uli ang baklita...

"San ka na oi" tanong ko

"Message sent"

Pero wala pa ring reply.

Naghintay ako ng ilang minuto pa pero 'di pa rin siya nagrereply. Hanggang sa me nag "tototot totot tototot...."

"Hi, sori, late repz, nakitext lang aq, la na kc me lod eh.. xenxa na, sige, text kita pag me time ako, para magkita tau. =)" text ng 'di kilalang number.

Nireplyan ko naman...

"Sige text kita, neway, gs2 pa kta makatext, gs2 mo lodan kita?" sa di kilalang number.

"Ikaw bahala..." reply niya.

Pumunta uli ako sa tindahan. Kahit isang kilometro kinaya ko para lang mabigyan ng load si Andrew. Pagkarating ko sa tindahan, nabigla ako nang makita ko si Andrew dun, nakatambay.

"Oi, dito pala boarding house mo?" tanong ko

"Uy, andiyan ka pala, ah.. oo, dito ako nagbo-board." sagot niya.

"Nga pala, nakarating na ba load mo?" tanong ko.

Tumango naman siya. Meron siyang kasamahang ibang lalaki rin. 'Di rin naman makakailang gwapo rin ang mga ito. Pero 'di kasing gwapo ni Andrew.

"Ay, aalis na ako ha, nagtext na kasi tita ko, susunduin ko pa siya. Galing kasi ng Davao eh.." paliwanag ko.

"Sige ingat ka ha? Text text na lang tayo" sagot niya sabay ngiti.

Hala, humaba talaga buhok ko. Kahit bungal ako, sa isipan ko, nakabingwit pa ako ng gwapo.

Dumating na nga si Tita Suling galing Davao. Nagulat siya nang makita niya ang nangyari sakin. Pinagalitan ako 'di dahil 'di ako nag-iingat, kasi tambak ang labada.

Si Andrew

Maga pa rin ang lipz ko. Triple pa sa lipz ni Angelina Jolie. Keri ko pa rin naman. Kinabukasan nga nun, nag-almusal na kami ni Manay sa karenderia ng kaibigan niya. Masakit kumain, nabigyan nga ako ng pampawala ng sakit, diyahe namang kumain kasi wala na dalawang ipin ko sa harapan.

"Tao, pabili ng hinalang!" sigaw ng isang lalaki.

Nagulat ako't si Andrew pala ang bumibili. Lumandi naman ako. Sumaya ako bigla. Nginitian ko siya't natawa na lang siya sa akin. Kasi nga bungal ako nun.

Nagkakwentuhan kami ni Andrew. Tinanong ko siya kung taga-san siya't san siya nag-aaral. Sa Magsaysay nga siya nakatira, sa Kialeg, pero sa Digos siya nag-aaral. Natuwa ako't malapit lang sa amin ang paaralan niya. Titig na titig ako sa dimples ng loko, ang gwapo eh, kakabighani! Super!

Kinuha ko number niya, binigay din naman niya agad.

Hapon na nang umalis kami ni Manay pauwi ng Digos. Nagmamadali akong sumakay ng jeep. Hindi ko namalayan na katabi ko pala si Andrew. Pauwi na rin pala siya ng Digos. Klase na kasi kinabukasan. Haba ng hair ko, kahit na maga pa rin yung bibig ko ok lang, nakatabi ko naman siya.

Marami pa kaming pinag-usapan, katulad ng girlfriend niya, at mga karanasan niya sa buhay. Hanggang sa makarating na kami ng Digos.

Nagpart na kami ng ways, ayun, pati si Manay ngingiti-ngiti.

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay, text text kami ni Andrew. Wala pa naman si Tita Suling, hindi pa umuuwi. Hindi na masakit ang bibig ko, katunayan 'di na ito namamaga.

Text pa rin kami ni Andrew...

"Pwede tayong magkita sometime?" tanong niya.

"Pde naman, text me lang kung kelan at san." sagot ko nang biglang...

"Check Operator Services" ...

Taena!

Saturday, July 14, 2007

Consolation Part Two

Kinahapunan, nagpunta na kami ni Manay sa barrio hall para magparehistro. Sight ko rin ang ibang baklitang kating-kati para makasali sa natatanging patimpalak ng pagandahan.

Pangatlo kami ni Manay na pumila. Bitbit ang costume at make-up kit, naghintay kami ng dalawang oras para makapagrehistro.

'May I argue' ang drama ng dalawang baklita na nagparehistro sa committee. Pangalawang beses na silang sumali sa patimpalak.

"Giatay!" sigaw ng isang bakla na ibig sabihin sa tagalog ay isang malutong na mura.

"Ate, anong commotion?" tanong ko kay Manay.

"Overage na daw!" sagot niya.

"Overage? Bakit? Ilang taon na ba sila?" tanong ko uli.

"Trenta ata? Oo trenta na, rumarampa pa, kasi naman, ito lang kinabubuhay nila." sagot niya.

"Eh yung isa? 'Di ba bata pa yun?" sabat ko.

"Underage yun. Trese pa ata eh, gusto nang lumandi." sagot niya naman.

Natawa ako, hindi ko lubos-maisip na ganito ang buhay na susuungin ko pagdating ng araw.

Kinabukasan ng gabi, todo make-up na ako, ilang oras na lang kasi magsisimula na ang Miss Gay Magsaysay. Kabado ako, pero kering-keri ko to, sabi ko sa sarili ko. Kasi naman si Manay, bakit pa ako sinama-sama. Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko.

Nang biglang me nagtext...

"Hi, San ka now?" sabi ng text.

Hindi ako nagreply, wala akong load. Hindi ko rin alam kung sino ang nagtext. Pero, 'di ko binura ang mensahe.

Alas nuebe ng gabi, walang kagatol-gatol na nagsimula na ang patimpalak. Me production number ang isang grupo ng kabataan bilang panimula. Triple na ang kabang nadarama ko nang puntahan kami ng taga-anunsiyo. Magsisimula na daw kami sa aming production number.

Suot ko na ang costume ko, kahit papano, sight ko rin naman na me curves ako, kahit papano, nagawan ng paraan ni Manay Greta na magkaroon ako ng boobs.

Dark blue ang kulay ng costume ko, ika nga ni Manay, lutaw na lutaw ang kagandahan ko dahil nga maputi ako't matangkad.

Nagsimula na kaming sumayaw. Lalo akong tumaas ng iilang inches dahil nga ang taas ng pinasuot ni Manay sakin na heels. Feel ko rin namang sumayaw, kahit pa ika-ika, nakasayaw pa rin ako ng mabuti. To the tune of Sexyback ang sinayaw namin. Pirated ang CD. Makailang ulit ba namang tumalon.

Contestant number 5 ako nun sa sampung kalahok. Nakuha pa ako sa top 6. 'Di ba wagi?

Nang tawagin na ang pangalan ko para sa question and answer, biglang nag ala Miriam Quiambao ang drama ko, as in sumadsad talaga ako mula sa mataas na bahagi ng mini-bleachers ng stage day hanggang sa ibaba. Que Horror!

Poise pa rin naman, may I get back on my feet pa rin naman ako, naman, literal na sumadsad yung mukha ko sa bleachers. Narinig ko rin sa crowd ang sigawan. Me natawa, me nashock. Hanggang sa binalewala ko ito at patuloy na pumunta sa gitna ng stage. Ngumiti. Nang biglang...

"Hahahahahhaha... " hiyawan at tawanan ang lahat ng tao, pati ang judges napatawa.

Poise pa rin, nang bigla akong makaramdam ng sakit sa loob ng bibig ko. Nang haplusin ko ito, tumambad sakin ang napakaraming dugo. Wari ko'y mahihimatay ako sa takot, pero ineskort ako ng isa sa mga kabataan papuntang backstage. Doon ko lang nalaman, nawala ang dalawang ipin ko sa harapan.

Iyak ako nang iyak, si Manay naman, 'di mapakali. Kumalma ako, sinight ko sa salamin ang nguso ko.

"Hubaga Uy!" pasaring ng isang lalaki sa dakong kanan ng dressing room.

Nabigla ako dahil parang kinagat ng sampung libong bubuyog ang nguso ko.

Tinawag na ang top 3.

'Di ako nasama.

Masaklap.

Pero inaaninag ko pa rin ang kung sino ang nagsabi sakin na 'hubaga uy'.

Na-sight ko siya, pero tinawag na ang mga talunan para sa isang special awards kaya tinalikuran ko na ang lalaki.

"And the award for the Most Shocking Event of the Night Goes To...." announce ng announcer.

Tumaas ang kilay ko't napakagat ako sa dila.

"Miss Chuvanesca!" sabi ng announcer.

"Congratulations Miss Chuvanesca, you can now claim your prize from Mr. Andrew Jaltan, Mr. Jaltan, can you escort Miss Chuvanesca please?" si announcer ulit.

Hiyang-hiya ako, para akong basang sisiw as of that moment. Pero nang masight ko si Mr. Jaltan, siya pala yung lalaki ng walang pang-ibabaw sa karenderia nung isang araw. Nabaliw ako, ang gwapo niya. Grabe, kinamayan niya ako't kinongratulate. Ang haba ng hair ng lola niyo day! Nanginig ako sa dimples niya!

Bad trip nga lang...

'Sandosenang lata ng sardinas at noodles ang papremyo ko. Ayun nga, consolation prize, naaksidente na ako, yan lang makukuha ko, napakasaklap!

Pero ok lang. Nakilala ko naman si Andrew.

Grabe, kahit maga ang lepz ko, ang landi ko pa rin.

Thursday, July 5, 2007

Consolation Part One

Seventeen lang ako nun nang sumali ako ng Miss Gay Magsaysay. Yun ang pinakaunang beses na sumali ako sa isang gay beauty contest. Mga neng, 'di ko kinaya. Eto ang buong kwento.

Alas otso ng umaga sinama ako ng isa sa mga kabaro ko sa Magsaysay, Davao del Sur, siya si Greta, bakla rin at medyo matanda siya ng kaunti sa akin. Pero bihasa na sa pagsali sa mga gay beauty contest, nakakailang panalo't talo na rin siya, maihahambing mo talaga siya kay Tyra Banks. Hindi naman sa masasabing successful ang lola Greta, meron naman itong sariling parlor, kaya't nakakaraos rin. Buti na lang pumunta ng Davao si Tita Suling at pinayagan naman akong gumala.

"San tayo pupunta manay?" tanong ko.

"'Wag ka nang maraming tanong diyan, gusto mo bang magkapera?" usad naman niya.

"Aba, siyempre, kelangan eh, matumal ang bentahan ng gulay sa palengke, kelangan ko ng datung." sagot ko naman.

"Eh 'di kung ganun, wag ka na maingay diyan at me sasalihan kang beauty contest." sabat niya.

At first 'di ako makapaniwala, pero dahil sa hirap ng buhay tinigasan ko na lang loob ko.

Dumating na kami sa lugar, 'di ko matandaan ang eksaktong pangalan, pero maganda siya, kaunti lang tao, eh bukid naman kasi eh. Pumunta kami ni Manay Greta sa bahay ng kakilala niya. Kaibigan pala yun ni Manay at sadya nga niya roon eh manghiram ng costume, 'di naman nakakapagtaka, patahian ito sa lugar nila. Bukod sa isa itong patahian, isa rin itong karenderia. Naupo na ako sa sala, nang me tumambad na pawisang lalaki na walang pang-itaas sa aking harapan. Nagulat ako, pero poise pa rin. Naaninag ko ang mukha niya. Pogi. Sa isang saglit, natigil ako sa aking pantasya nang tanungin niya kung andiyan ba ang may-ari, sagot ko naman, ewan, baka andun sa loob.

Tumuloy si pogi sa loob. Tinuloy-tuloy ko rin ang tingin ko sa katawan niya na matipuno. Natigilan ako nang lumingon siya't ngumiti.

Nag-blush ang lola niyo 'day!

To be continued...

Sino Ako?

Chuvanesca ang pangalan. 22 years old. Bakla, baklita, Reyna ng itim. Tawag yan ng mga kabaro ko sa amin. Pinanganak ako sa Davao. Bakla tatay ko, tibo naman nanay ko. Sa ngayon nakatira ako sa Digos. Oo, isang napakatahimik na siyudad malapit 'din sa Davao.

Tatlong taong gulang pa lang ako namatay na sina Mama at Papa, napadpad nga ako dito sa Digos dahil dinala ako ng tita ko. Hindi kami magkadugo, pero parang tunay na anak na ang turing niya sakin. Bakla na ako dati pa. Masaya naman pamumuhay namin, 'di naman ako maluho. Sanay ako sa hirap, tinutulungan ko kasi si Tita Suling sa pagtitiinda ng gulay sa palengke. Kahit ganito ako, mahal ako ni Tita Suling. Kaya kahit ganyan ako, pinagmamalaki niya ako ng todo.

Marami na akong nasalihang patimpalak ng pagandahan ng mga bading. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nagwawagi ang lola niyo. Minsan nga kahit sa baryo-baryo pinapatulan ko, magkapera lang.

Minsan nagwagi ako, Php3,000 yung premyo. Binayaran ko pa manager ko. Pati costume, pati make-up, pati accessories, lahat binawas sa premyo. Ayun, Php1,000 na lang nauwi ko. Masaklap pero masarap. Kapag talo naman, nauunawaan naman ng manager ko ang sitwasyon, at kahit isang dosenang lata ng sardinas lang ang consolation, binibigay rin naman niya ang kalahati sa akin.

Meron akong tinatangi. Siya si Roger. 20 years old. Bago pa kami ni Roger, makati na ako sa hitad. Marami akong flings, marami akong napaligaya, baklang-bakla ako nung mga panahong akong nasa age range ng 16 to 19. Nakilala ko siya nung akong biente lang. Tatlong taon ang pagitan namin. So bale, 17 siya nang dumating siya sa buhay ko.

Marami akong kaibigan. Halos lahat naman kasi ng taga-samin tuwang-tuwa sakin. Pati nga halos mga tao sa mga karatig baryo kilala ako. Kaya ako mahal ng Tita Suling ko. Bukod sa magyondits, nakakatawa pa.

Welcome po sa blog ko, sana lang po magustuhan niyo ito.

xoxo,
Chuvanesca